Tama Ba ang Doktrina na “Kapag Ikaw ay Naligtas Na ay Palagian Ka Nang Ligtas?”

Tama Ba ang Doktrina na “Kapag Ikaw ay Naligtas Na ay Palagian Ka Nang Ligtas?”

Original Source: Is “Once Saved, Always Saved” a Biblically Correct Doctrine?
By: Edmond Macaraeg


Mayroong labis na pagtatalo at pagkalito tungkol sa maka-modernong panahon na pagtuturo na ito.  Ito ay umusad ng mga nakaraang siglo sa pamamagitan ng isang Protestanteng tagapagbago na si John Calvin (ngunit nakuha niya ang orihinal na ideya sa Katolikong obispo na si Augustine).

Panahon na upang ating suriin ang pagtuturo na ito at mabigyang liwanag mula sa tunay na sinasabi sa Biblia.

Ang Wikipedia (sa ilalim ng mga katagang “Perseverance of the Saints” o “Eternal Security) ay inilalarawan ang pagtuturo na ito tulad ng sumusunod: “Kapag ang tao ay tunay na “ipinanganak ng Diyos” o “binigyan ng bagong buhay” sa pamamagitan ng paninirahan sa kanya ng Espiritu Santo, walang anumang bagay sa langit o sa lupa ang “makapaghihiwalay sa atin sa pagibig ng Diyos…”

Maraming bersikulo tulad ng Mga Taga-Roma 8:35-39 ang ginagamit bilang suporta sa pagtuturong ito.

Ang doktrinang ito ay karaniwang tinitingnan (at isinasabuhay) upang ipakahulugan na kapag ang isang tao ay maging anak ng Diyos sa pamamagitan ng bautismo, pangungumpisal, at pagtanggap kay Hesus bilang Tagapagligtas, walang kasalanan ang maari nilang magawa na magbubunga sa pagkawala ng kanilang kaligtasan.  Sila ay napapawalang sala sa pansariling responsibilidad sa kanilang pag-uugali o mga gawain at uri ng pamumuhay dahil sila ay naniniwala na ang Diyos ay gagawin ang lahat sa kanyang kapangyarihan upang matiyak ang kanilang walang hanggang kaligtasan.

Subalit, ito ay isang mapanlinlang, mapanganib, at di-ayon sa Biblia na pagtuturo.

Ang Kaligtasan na Ayon sa Biblia ay hindi Iisang Pangyayari Lamang, Kundi Isang Proseso

Ang unang malaking problema sa pagtuturo na ito ay ang maling pagkaunawa tungkol sa kaligtasan.  Ang pananaw ng karamihan dito ay ito ay isang minsanan at isang iglap na pangyayari (na pagkatapos ulitin ang isang dasal, ang ministro ay ipapahayag na “ligtas” na ang isang tao o kapag ang isang tao mismo ang maghayag na siya ay “ligtas” na).  Sa halip, ang Biblia ay ganap na tinuturo na ang kaligtasan ay isang proseso na binubuo ng apat na saligang yugto. Ang mga ito ay:

  1. Pagtawag (Call): Ang Diyos Ama ang nagsisimula ng proseso ng kaligtasan (Juan 6:44,65)
  2. Pagmamatwid (Justification): Lahat ng ating nakaraang kasalanan ay pinatawad sa pamamagitan ni Cristo (Mga Taga-Roma 5:9)
  3. Pagpapakabanal (Sanctification): Ibinubukod upang mabuhay ng matuwid (1Mga Taga-Tesalonica 4: 3,4)
  4. Kaluwalhatian (Glorification): Ang pangwakas na bunga ng ating kaligtasan (Mga Taga-Roma 8: 17, 30)

Ang Biblia ay Sumasalungat sa Doktrinang “Kapag Ikaw ay Naligtas na ay Palagian Ka Nang Ligtas.”

Ang pangalawang malaking problema ay may kinalaman sa hindi pagpansin sa malinaw na  Kasulatan na sumasalungat sa huwad na pagtuturo na ito. Narito ang ilan sa kanila:

Sapagkat tungkol sa mga minsang naliwanagan at nakalasap ng kaloob ng kalangitan, at mga nakabahagi ng Espirito Santo, at nakalasap ng mabuting salita ng Diyos, at ng mga kapangyarihan ng panahong darating, at saka nahiwalay sa Diyos ay di maaaring baguhin silang muli sa pagsisisi; yamang kanilang ipinapapakong muli sa ganang kanilang sarili ang Anak ng Diyos, at inilalagay na muli siya sa hayag na kahihiyan.

~ Mga Hebreo 6:4-6

“Sapagkat kung ating sinasadya ang pagkakasala pagkatapos na ating matanggap ang Pagkakilala sa katotohanan, ay wala nang haing natitira pa tungkol sa mga kasalanan,kundi isang kakilakilabot na paghihintay sa paghuhukom, at isang kabangisan ng apoy na lalamon sa mga kaaway.  Ang magpawalang halaga sa kautusan ni Moises sa patotoo ng dalawa o tatlong saksi, ay mamamatay ng walang awa: Gaano kayang higpit ng parusa, sa akala ninyo, ang ihahatol na nauukol doon sa yumurak sa Anak ng Diyos, atumaring di banal sa dugo ng tipan na nagpabanal sa kanya, at umalipusta sa Espiritu ng Biyaya?

~ Mga Hebreo 10:26-29

“O hindi baga ninyo nalalaman na ang mga liko ay hindi magsisipagmana ng kaharian ng Diyos? Huwag kayong padaya: kahit ang mga mapakiapid, ni ang mga mananamba sa diosdiosan, ni ang mga mangangalunya, ni ang mga nangbababae, ni ang mga mapakiapid sa kapwa lalake.  Ni ang mga magnanakaw, ni ang mga masasakim, ni ang mga manglalasing, ni ang mga mapagtungayaw, ni ang mga manglulupig, ay hindi mangagmamana ng kaharian ng Diyos.  At ganyan ang mga ilan sa inyo: ngunit nangahugasan na kayo, ngunit binanal na kayo, ngunit inuring-ganap na kayo sa pangalan ng Panginoong Jesucristo, at sa Espiritu ng ating Diyos.

~ 1 Mga Taga-Corinto 6:9-11

“At ang bawat tao na nakikipaglaban sa mga palaruan ay mapagpigil sa lahat ng mga bagay. Ginagawa nga nila ito upang magsipagtamo ng isang putong na may pagkasira; ngunit tayo’y niyaong walang pagkasira.  Ako nga’y tumatakbo sa ganitong paraan, na hindi gaya ng nagsasapalaran; sa ganito rin ako’y sumusuntok, na hindi gaya ng sumusuntok sa hangin: Ngunit hinahampas ko ang aking katawan , at aking sinusupil:baka sakaling sa anomang paraan , pagkapangaral ko sa iba, ay ako rin ay itakuwil.

~ 1 Mga Taga-Corinto 9:25-27

“Sapagkat kung, pagkatapos na sila’y makatakas sa mga pagkahawa sa sanglibutan sa pamamagitan ng pagkakilala sa Panginoon at Tagapagligtas na si Jesucristo, ay muling mahalubiluhan at madaig niyaon, ay lalong sumasama ang huling kalagayan nila kay sa nang una.  Sapagkat magaling pa sa kanila ang hindi nakakilala ng daan ng katuwiran, kay sa pagkatapos na makakilala ito ay tumalikod sa banal na utos na ibinigay sa kanila.Nangyari sa kanila ang ayon sa kawikaang tunay, “Nagbabalik na muli ang aso sa kanyang sariling suka,”at “sa paglulubalob sa pusali ang babaing baboy na nahugasan.”

~ 2 Pedro 2:20-22

“Kaya nga, mga minamahal ko, kung paano ang inyong laging pagsunod, na hindi lamang sa harapan ko, kundi bagkus pa ngayong ako’y wala, ay lubusin ninyo ang gawain ng inyong sariling pagkaligtas na may takot at panginginig; Sapagkat Diyosang gumagawa sa inyo maging sa pagnanasa at sa paggawa, ayon sa kanyang mabutingkalooban.

~ Mga Taga-Filipos 2:12-13

Konklusyon

Mula pa lamang sa ilang mga malinaw na bersikulo na ito, ay ating nakita na ang tanyag na pagtuturo na “Kapag ikaw ay naligtas na ay palagian ka nang ligtas” ay walang anumang basehan sa Biblia.

0 Comments

Add a Comment

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.