Original Source: Is January 1 Really the Start of the Biblical New Year?
By: Edmond Macaraeg
Ang Enero 1 ay hindi ang simula ng totoong taon na ayon sa Biblia. Ang karamihan ng tao ay naligaw sa maling paniniwala nito dahil hindi nila pinagaralang mabuti ang tunay na sinasabi sa Banal na Kasulatan o sa Biblia.
Sa Biblia, inihayag ng Diyos sa atin kung kailan ang totoong simula ng taon. Nang ang bayan ng Israel ay mga bihag pa sa Egipto (Exodo 12:1), inihayag ng Diyos [YHWH] — bilang Tagapaglikha ng lahat ng bagay (pati ng panahon) – sa pamamagitan ni Moises kung paano malalaman kung kailan ang unang buwan ng taon. Ito rin ang parehong buwan nang kinausap ng Diyos si Moises (Exodo 12:2). Kinalaunan ay pinangalanan ng Niya ang unang buwan na ito at tinawag na Abib. Ito rin ang parehong buwan nang ang bayan ng Israel ay lumabas ng Egipto sa pamamagitan ng maraming makapangyarihang himala ng Diyos (Exodo 13:4; 23:15; 34:18).
Ang buwan ng Abib – na nakalista sa Exhaustive Concordance of the Bible ni Dr. James Strong sa ilalim ng numero H0024 – ay ipinaliwanag sa ganitong paraan: “Ang unang buwan ng talaarawan o kalendaryo ng mga Cananeo ay katumbas ng buwan ng Nisan (Marso-Abril); ulo (ng mga butil), ay hinog na ngunit malambot pa; mga berdeng tainga ng mais.” [Paalala: Ang pangalan ng buwan ng Nisan ay naunang ginamit pagkatapos ng pagkabihag ng bayan ng Israel sa Babylonia.]
Dahil ang Abib ay nasa pagitan ng mga buwan ng Marso at Abril, ang berdeng tainga ng mais ay malambot pa, at ito ang maliwanag na pahiwatig na ang panahon ng taon ay ang maagang tagsibul. At batay dito, ay masasabi natin na ang bayan ng Israel ay lumabas ng Egipto sa panahon ng tagsibul (springtime), hindi sa panahon ng taglamig (winter) tulad ng Enero.
Ayon sa nakasaad sa Biblia, kailan nagsisimula ang mga buwan ng taon? Ang Ingles na kataga na “month” ay kinuha sa katagang “moon” dahil noong una pa man, sinabi sa Biblia na ang unang araw ng mga buwan ay palaging kasabay sa paglabas ng bagong buwan sa langit. Maari ninyong ikumpara ang Levitico 23:24 at Mga Awit 81:3 para inyong malaman ang katotohanan na madalas ay hindi nabibigyan ng pansin ng karamihan na hindi pamilyar sa kalendaryo sa Biblia at kung paano ito kinikwenta at hindi sumusunod sa pinag-utos na pagdiwang ng Pitong Taunang Banal na mga Araw ng Diyos.
Ang kalendaryong Romano Julian at Gregoryano na ginagamit ngayon ng karamihan ay hindi ayon sa tamang paraan ng pagkwenta ng panahon na nakasaad sa Biblia. Ito ang dahilan kung bakit sa kasalukuyang kalendaryong Romano ang paglabas ng bagong buwan sa langit ay hindi ang unang araw ng mga buwan. Kapag ang kalendaryong Romano ay kinumpara sa sagradong kalendaryo o kalendaryo sa Biblia (Hebreo o Judio), kadalasan ay ang isang buwan ay sumasaklang sa dalawang buwan ng kalendaryong Romano.
Sa kalendaryong Romano ngayong taon, ang unang araw ng sagradong kalendaryo ay sa Marso 28, 2017 – ang unang bagong buwan na lalabas sa langit pagkatapos ng vernal (tagsibul) ekwinoks sa Hilagaing Hemispero. (Maari lamang pong abangan ninyo ang iba pang artikulo na lalabas hinggil sa paksa na ito.).
0 Comments