Bakit May Labis na Kalituhan at Pagkakahati-hati sa Politika at Relihiyon?

Bakit May Labis na Kalituhan at Pagkakahati-hati sa Politika at Relihiyon?

Original Source: Why is There So Much Confusion and Division in Politics and Religion?
By: Edmond Macaraeg


Sa larangan ng Agham at Matematika, ang buong mundo ay lubos na nagkakasundo.

Halimbawa, 2 + 2 = 4.  Ang mga pormula sa Agham at Matematika ay hindi pinagtatalunan.  Gayunman, sa larangan ng politika at relehiyon, laganap ang kalituhan at pagkakahati-hati.  Bakit nagkakaganun?  Ano ang sinasabi ng Biblia tungkol dito?

“At inihagis ang malaking dragon, ang matandang ahas, ang tinatawag na Diablo at Satanas, ang dumadaya sa buong sanglibutan; siya’y inihagis sa lupa, at ang kanyang mga anghel ay inihagis na kasama niya.

Apocalipsis 12:9

Inyong mapapansin ang sinabi sa Biblia, ang buong sanglibutan (marahil 99.9999% ng 7.4 bilyong katao) ay nalinlang.  Ang karamihan ng tao ay iniisip na maliit na minorya lamang ng tao sa mundo – na tinuturing na mga “hangal” o “kakaiba” – ang siyang tunay na nalilito at nalinlang.

Ngunit, paano ang bilyun-bilyong katao na desente, normal, edukado, at lalo na ang mga relihiyoso?  Sila ba ay hindi kasali sa problema ng kalituhan at panlilinlang na ito?

Ang iba ay itatanggi ang pahayag sa Biblia, ipapaliwanag sa ibang paraan, o tatawaging pahayag na may kalabisan.  Ngunit ang hindi maitatanggi, sa Biblia ay kinukumpirma ang katotohanang ito:

Ang Diyos ay tapat, datapuwa’t ang bawat tao’y sinungaling.

~Mga Taga Roma 3:4

Hindi natin lubusang nauunawaan ang tunay na kalakhan ng problema.

Ang  espirituwal na pagkabulag ay ipinapakita ng mismomg katotohanan na ang karamihan ng tao ay ganap at walang malay ang pagka-ignorante sa mabigat na realidad ng nakagugulantang na pahayag na ito ng Biblia.

Ang karamihan ay ipinagpapalagay na ang mga kaguluhan ay produkto lamang ng iba’t-ibang nagsasalungat na mga opinyon o mga pananaw, at kung bibigyan lamang ng sapat na panahon, malulutas din ng sangkatauhan ang lahat ng mapait na pagkakaiba na ito at magbubunga sa mapayapa, maligaya, at nagkakaisang mundo.  Nakakalungkot man sabihin, sa kamay ng tao, iba ang sinasabi ng propesiya sa Biblia.

Narito ang ilan sa di-maitatangging katotohanan sa dalawang pangunahing bahagi ng di-pagkakasundo:
  1. Hinggil sa uri ng pamamahala – mayroong dose-dosenang nagsasalungat na mga pilosopiya at uri ng pamamahala mula autokrasya hanggang teokratiya, kung saan nagmula ang mga mapapait na digmaan. Iba’t-ibang estilo ng pamamahala ang inilalarawan sa artikulo na ito ng Wikipedia.
  1. Sa larangan ng relihiyon – kung saan ang katotohanan at pinakamataas na mga mithiin ay inaasahan – mayroong pinakamalaking pagkalito at kaguluhan. Ang mga brutal na pamumugot ng ulo at pagsunog, pag-uusig, at mga digmaan sa kasaysayan ay ipinatupad sa ngalan ng o sa pagdepensa sa mga relihiyosong paniniwala – hanggang sa araw na ito!

Para sa estatistikal na listahan ng bilang ng mga tagasunod ng mga pangunahing relihiyon (huling bilang ng taon 2012), maari po lamang tingnan ninyo itong listahan ng mga populasyon sa relihiyon. Tingnan niyo rin po ang sarbey na ito.

Sa ganitong malaking pagkalito at pagsasalungat sa buong mundo, mayroong isang malakas at higit sa pangkaraniwang kapangyarihan na sanhi nito.  Habang ang sangkatauhan ay may espiritwal na pagkabulag at bigong matukoy ang sukdulang manunulsol dahil sa malakas at mapanlinlang na kapangyarihan ni Satanas, ang Biblia ay lantarang inihahayag ang kanyang pagkakakilanlan:

“Nalalaman natin na tayo’y sa Diyos at ang buong sanglibutan ay nasa ilalim ng ugoy [o control (New Living Translation)] ng masama [Satanas].

~1 Juan 5:19 

Tiyak na mayroong malaking pagkalito at panlilinlang sa buong mundo dahil kay Satanas ang Diablo, kasama ang kanyang pangkat ng di-mabilang na mga demonyo na masugid na nagtatrabaho.

Maari po lamang abangan pa ang mga lalabas na artikulo na tutukoy sa marami pang mapanganib na panlilinlang ni Satanas, at higit sa lahat, kung paano malulutas ang lahat ng ito sa bandang huli!

0 Comments

Add a Comment

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.